Izzy Canillo, umani ng papuri bilang batang Louie sa 'The World Between Us'
Umani ng papuri ang child actor na si Izzy Canillo dahil sa kanyang pagganapbilang batang Louie sa GMA primetime series na The World Between Us.
Sa July 6 episode kasi ay umiyak si Louie dahil namatay sa aksidente ang kanyang inang si Clara, na ginampanan ni Glydel Mercado.
Panoorin ang makabagbag damdaming eksena dito:
Sa Twitter, marami ang pumuri sa talento ni Izzy bilang aktor dahil pati silang nanonood ay naramdaman ang lungkot ng batang si Louie.
Tweet ng isang netizen, "One of the most Heartbreaking scenes. I'm so proud to young louie, Ang galing nya!"
#TWBUByeNay One of the most Heartbreaking scenes 💔😭 ~ I'm so proud to young louie, Ang galing nya! 🙌🏻🥰
-- Melody Sarmiento (@ImMelody0929) July 6, 2021
ALDENxTWBU GrievingSon
@aldenrichards02 pic.twitter.com/4gWeRyFdyc
Galing and engaging yung acting nong young Louie in fairness, may future. #TheWorldBetweenUs
-- minute-killing (@minutekilling) July 5, 2021
Izzy Canillo as Young Louie.. Nakakaproud ang batang 'to Ang galing galing talaga ng pagganap nya dito bilang batang Louie, Pilot Episode palang talagang napabilib na nya ako! 🙌🏻#TWBUAngelNiLouie
-- Melody 💙 (@Melody_2992) July 7, 2021
ALDENxTWBU NewBeginning pic.twitter.com/lFGkHMR8PT
Ang galing umarte ni Young Louie. Hindi OA.
-- TigerIsAFan 🐅 ᜀᜎ᜔ᜇᜒᜈ᜔ (@jeannieDV) July 6, 2021
Pati ung scoring. Galing ng timing#TWBUByeNay
ALDENxTWBU GrievingSon
Gosh naiyak ako kay Louie!!! Bilang anak napakasakit mawalan ng isang ina 😭💔
-- Melody Sarmiento (@ImMelody0929) July 6, 2021
P.S Kudos to young louie, Ang galing ng batang 'to! 🙌🏻
#TWBUByeNay
ALDENxTWBU GrievingSon#AldenRichards pic.twitter.com/0mm70XXXUH
Binigyang papuri din ng netizens ang aktres na si Shanelle Agustin, ang gumaganap na batang Lia, ang karakter na gagampanan ni Jasmine Curtis-Smith.
Komento ng isang netizen, "Galing din ng acting ng young Lia! Ramdam na ramdam mo ang mga emosyon niya."
Galing din ng acting ng young Lia!🙌 Ramdam na ramdam mo ang mga emosyon niya.@aldenrichards02 #TWBUAngelNiLouie
-- 𝓚𝓲𝓶𝓫𝓮𝓻𝓵𝔂 𝓥𝓲𝓽𝓾𝓰 Ⓐ︎Ⓡ︎ (@kimkimvitug_06) July 7, 2021
ALDENxTWBU NewBeginning
Magaling yung young Lia. May lalim.#TheWorldBetweenUs #TWBUByeNay
-- FanGhoulTwo (@SFanghoul) July 6, 2021
#TheWorldBetweenUs ang galing ni Ms.Jackylyn Jose kahit anong role napaka versatile talaga. Even Ms.Dina Bonnevie and the young Louie, Lia, Brian their acting just came out so natural. Good job po Direk Dominic Zapata. 👍👍🙏
-- jude trasmonte (@judai6) July 8, 2021
galing nila dalawa nakakakilig lahat ng eksena nila kudos to both of you Young Lia and Young louie,sana mabigyan sila ng sariling mga teleserye,ngayon lang ako nakapanood ng ganito kagandang teleserye ng GMA umpisa palang pakikiligin kana,paiiyakin ito na ang papalit kila katniel
-- anne (@anne19405285) July 7, 2021
Kilalanin pa sina Izzy, Shanelle, at Will Ashley, ang gumaganap na batang Brian, dito:
Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Sa mga Kapuso abroad, maari itong mapanood sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.