
Masuwerteng naiuwi ng magkaibigan na sina Matteo Guidicelli at Nico Bolzico ang guaranteed money na PhP90,121 sa kanilang paglalaro sa ikatlong episode ng The Wall Philippines sa GMA ngayong Linggo, September 11.
Sa nasabing episode, panalo ang naging first round ng game para sa dalawa kung saan nakakuha sila ng PhP70,121 pero pagdating sa second round ay dito na naging mainit ang paglalaro ng dalawa.
Si Matteo ang sumalang sa isolation room upang sumagot ng random questions habang si Nico naman ay naiwan kasama ang game show host na si Billy Crawford upang magkasa ng bola sa wall.
Sa nasabing round umabot sa PhP220,122 ang naipong pera ng dalawa sa cash bank pero unti-unti itong nababawasan dahil kada maling sagot ay katumbas ng isang red ball na kung saang amount man ito bumagsak ay ibabawas ito sa kanilang total amount of money.
Sa third round, mali ang naging sagot ni Matteo sa hard questions ng wall at sumakto pa ang mga red balls sa amount na 500k at 300k. Dahil dito, bumalik sa zero money ang dalawa.
Sa isolation room, pinadalhan si Matteo ng guaranteed money contract kung saan maaari silang mag-uwi ng sure money na PhP90,121 kung pipirmahan niya ito. Laking saya naman ni Nico nang malaman niya na pinirmahan niya ang nasabing kontrata dahil ibig sabihin ay may mauuwi pa rin silang cash prizes.
Abangan ang The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG ILANG LARAWAN NG PAGBISITA NI NICO AT NG KANILANG ANAK NI SOLENN HEUSSAFF NA SI THYLANE SA ARGENTINA SA GALLERY NA ITO :