IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Gary Estrada
Sinu-sino kaya ang mga nakasungkit ng puso ng dating matinee idol?
Bernadette Allyson-Estrada
Ikinasal si Gary sa 'T.G.I.S.' star noong 2001. Kaka-celebrate lang ng mag-asawa ng kanilang 16th anniversary.
Gary & Bernadette
Sa isang panayam sa aktor ng GMANetwork.com, nabanggit nito na gaya ng ibang pagsasama ay hindi perpekto ang sa kanila ng asawang si Bernadette pero masaya siya kapiling ang kanilang tatlong anak.
Garielle Bernice Ejercito
Fifteen years old na ang panganay nina Gary at Bernadette na itinatawag nilang “Ate Ice.”
Garianna Beatrice Ejercito & Gianna Bettinna Ejercito
Close naman ang kanilang mga nakakabatang anak na mahilig sa baking.
Dina Bonnevie
Nakilala si Gary bilang matinee idol sa 1992 film “Tag-araw, Tag-ulan” kasama ang batikang aktres.
Chesca Diaz
Hindi man nagkatuluyan sina Gary at Chesca, nagkaroon naman sila ng anak, si Kapuso charmer Kiko Estrada na ngayon ay 22 years old na.
Angelu de Leon
Magiging asawa ni Gary ang dating 'T.G.I.S.' star sa pagbibidahahang soap na 'The Stepdaughters.' Gaganap si Angelu bilang si Brenda Salvador.
Glydel Mercado
Mahuhulog ang loob ng karakter ni Gary kay Luisa dela Rosa. Sila ay magpapakasal at magkakaroon ng stepdaughters na sina Mayumi dela Rosa at Isabelle Salvador.
Samantha Lopez
Hindi papayag ang fierce tita na si Daphne na maagaw sa kanya si Hernan Salvador na ginagampanan ni Gary.