MUST-WATCH: Megan Young at Katrina Halili, viral ang sabunutan sa sahig ng harina!
Ini-spoof nina The Stepdaughters stars Megan Young at Katrina Halili ang kanilang matinding eksena na umere kanina (February 28) sa GMA Afternoon Prime.
Sa drama series, hinampas ni Isabelle si Mayumi ng cream sa mukha nito habang pinaliguan naman ni Mayumi si Isabelle ng harina.
Sa behind-the-scenes video na in-upload online, nagsabunutan ang dalawa sa sahig ng harina ngunit umiba ang aura sa pagpasok ni Madam sa eksena.
Imbes na ma-tense ang manunuod sa sabunutan nina Mayumi at Isabelle, nauwi sa tawanan ang pag-spoof ng Kapuso stars sa eksena.
Beast mode man sa telebisyon ang mga karakter nina Megan at Katrina, magkaibigan naman sila sa totoong buhay. Tunghayan ang susunod nilang bangayan sa kanilang pinagbibidahang serye na The Stepdaughters tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 na Utos.