Ano'ng klaseng ama si Gary Estrada sa 'The Stepdaughters'?
Gaganap sa papel na Hernan Salvador si Gary Estrada sa upcoming GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters. Ang stepdaughters ay sina Miss World 2013 Megan Young at Kapuso kontrabida Katrina Halili.
Ang 46-year-old na aktor ang magiging ama ng role NI Katrina na si Isabelle Salvador. Ano kayang klaseng ama si Gary sa drama series?
“Mabait ako dito, parang tunay na buhay. I play a loving father here. Not only a father ‘yung karakter ni Hernan, mabait din na tumutulong sa kanyang mga empleyado, sa kanyang bayan at sa mga nahahalubilo niya sa buhay. Parang may halong pulitika ‘yung aking karakter na ginagampanan dito,” kuwento ng aktor na isa ring pulitiko sa panayam ng GMANetwork.com.
Naibahagi rin ni Gary ang estado ng kanyang relasyon sa mga anak na sina Kiko Estrada, Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.
IN PHOTOS: Meet the Tres Marias of Gary Estrada and Bernadette Allyson
Aniya, “Ang aking mga kayamanan ay ang aking mga anak. At the end of the day, ‘yun ang aking uuwian [at] paghuhugutan ng aking lahat. Sila ‘yung aking inspirasyon [at] sila ang nagpapaalala sa akin na [I] have to get up each day, [and I] have to work. I want to be remembered as a good father.”
Abangan ang pagbabalik-teleserye ni Gary Estrada ngayong Pebrero sa The Stepdaughters.