Article Inside Page
Showbiz News
Kasalukuyang nangunguna ang Kapuso love team na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro bilang “RaStro” sa poll ng GMA Bloggers’ Style Camp sa kategoryang “People’s Choice Award.” Ano nga ba ang mensahe nila sa kanilang mga kalaban sa award na ito?
By BEA RODRIGUEZ
Kasalukuyang nangunguna ang Kapuso love team na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro bilang “RaStro” sa poll ng GMA Bloggers’ Style Camp sa kategoryang “People’s Choice Award”.
“Sa mga ibang teams, well, galingan niyo kasi talagang nagalingan na namin,” saad ng Kapuso star na si Glaiza de Castro. Dagdag pa niya, “Keep believing until you reach that goal.”
READ: Rhian Ramos and Glaiza de Castro aren’t scared to deliver kissing scenes
Pabiro namang sinabi ng kanyang leading lady na si Rhian Ramos, “Sa mga ibang teams, try lang because at least you tried.”
Patas ang labanan ng
The Rich Man’s Daughter stars para sa “Female Super Stunner Award” dahil pareho silang nakakuha ng 41%.
Nilinaw naman ng dalawa na isa itong “friendly competition”. Saad ni Rhian, “We’re all in GMA and ayon po, each pair ay may mga kasamang bloggers. They have picked the top bloggers in the country to be part of our teams.”
Dagdag pa niya, “Lahat kasing teams may mga importanteng message na i-co-convey ng mga photos na ilalabas. ‘Yung may lessons tayong matututunan so I’m sure everyone will be giving their best so kami binibigay din namin ‘yung pinaka, pinaka-best namin.”
Ang theme na napili para sa “RaStro Rebels” ay tungkol sa gender equality. Sinabi naman ng singer-actress na bagay ito sa kanilang love team, “Nakakatuwa kasi first time namin ginawa itong theme na ito sa photoshoot tapos saktong-sakto lang din talaga kung ano [ang] gusto naming ipahiwatig.”
READ: Rhian Ramos and Glaiza de Castro, boses ng LGBT community
Ito raw ang isang paraan upang hamunin ang kani-kanilang pagkamalikhain at makapagtrabaho ang ibang talentadong tao sa industriya.
Bet mo ba ang RaStro? Mag-log-on lang sa
http://www.gmanetwork.com/gma/stylecamp para iboto sila.