
Abutin man ng hating gabi sa set, buhay na buhay pa rin ang cast ng GMA Telebabad series na The One That Got Away.
Bilang katuwaan, ipinamalas ni Kapuso beauty Rhian Ramos ang kanyang rap skills habang ang kanyang co-star na si Migo Adecer naman ang nag-beat box para sa kanya.
Sa ilang linya, nagbigay siya ng summary kung tungkol saan ang show at ibinahagi ang mga mabuting karanasan niya sa pagshu-shoot nito.
Panoorin ang kanilang spontaneous performance sa set ng The One That Got Away: