Kumusta kaya ang set ng action suspense drama series na 'The Missing Husband?'
Ipinalabas na sa GMA Afternoon Prime ang bagong show na handog ng GMA sa bawat Kapuso ngayong 2023.
Ito ay ang action suspense drama series na pinamagatang 'The Missing Husband.'
Ilan sa mapapanood sa series ay sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.
Bukod sa kanila, tampok din dito ang iba pang mga aktor kabilang na sina Shamaine Buencamino, Cai Cortez, Max Eigenmann, Michael Flores, Bryce Eusebio, Patricia Coma, at marami pang iba.
Napapanood ang bagong programa sa GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 4:05 ng hapon.
Silipin ang ilang behind-the-scenes photos sa set ng serye sa gallery na ito.
Taping
Ang nasa larawan ay isa sa lead stars na si Yasmien Kurdi at ang 'The Missing Husband' director na si Direk Mark Reyes.
Rocco Nacino and Yasmien Kurdi
Sina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi ang gaganap sa karakter ng college sweethearts na sina Anton at Millie.
Rosales family
Mula sa kaliwa: Bryce Eusebio, Michael Flores, Max Eigenmann, Shamaine Buencamino, Yasmien Kurdi, at Rocco Nacino.
Joross Gamboa
Balik GMA na ang aktor na si Joross Gamboa. Abangan ang kaniyang role sa 'The Missing Husband.'
Shamaine Buencamino
Ang veteran actress na si Shamaine Buencamino ang gaganap na nanay ng karakter ni Rocco Nacino sa serye.
Picture
Picture, picture muna habang nasa set ng 'The Missing Husband.' Mula sa kaliwa: Joross Gamboa, Yasmien Kurdi, at Cai Cortez
The Missing Husband
Sabay-sabay nating abangan ang 'The Missing Husband,' soon sa GMA Afternoon Prime!
Yasmien Kurdi and Jak Roberto
Ano kaya ang magiging koneksyon ng mga karakter nina Yasmien Kurdi at Jak Roberto sa 'The Missing Husband?' Abangan!
Travel
Ilang travel scenes ng college sweethearts na sina Anton at Millie (Rocco Nacino and Yasmien Kurdi) ang mapapanood sa pangmalakasang serye.
Friends or enemies?
Ano kaya ang magiging koneksyon nina Brendan (Joross Gamboa) at Ria (Sophie Albert) kina Millie (Yasmien Kurdi) at Anton (Rocco Nacino)?
UAE Taping
Ilang mga eksena sa 'The Missing Husband' ay sa United Arab Emirates o UAE pa mismo kinunan.
Vlog scenes
Kabilang sa mga kinunan sa ibang bansa ay ang vlog scenes ni Anton (Rocco Nacino) habang kasama niya si Millie (Yasmien Kurdi).