Jak Roberto
TV

Jak Roberto, pinag-uusapan ngayon online

By EJ Chua
Alam n'yo na rin ba ang rebelasyon sa karakter ni Jak Roberto sa 'The Missing Husband'?

Isang rebelasyon ang gumulat sa viewers ng GMA action suspense drama series na The Missing Husband.

Sa isa sa latest episodes ng serye, mas nakilala pa ng mga manonood at fans ng serye ang karakter ni Jak Roberto.

Kasalukuyang napapanood sa programa si Jak bilang si Joed, ang pulis na may hawak sa pag-iimbestiga sa pagkawala ng asawa ni Millie (Yasmien Kurdi) na si Anton (Rocco Nacino).

Natunghayan at nalaman ng viewers na kapatid pala ni Joed ang isa sa scam victims na si Nick, ang karakter na ginampanan ni Mark Herras.

Samantala, bukod sa usap-usapan ngayon ang bagong rebelasyon tungkol kay Joed, pinag-uusapan din ang acting skills ni Jak Roberto na ipinapakita niya sa serye.

Hinahangaan ngayon si Jak dahil sa husay niya sa pag-arte bilang isang pulis.

Bukod pa rito, natuwa rin ang netizens sa paganda nang pagandang istorya ng naturang afternoon series.

Narito ang ilang sa komento ng netizens:

Huwag palampasin ang susunod pang maiinit at kapana-panabik na mga tagpo sa serye.

Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.