GMA Logo Alicia Mayer and Raymond Bagatsing
What's on TV

The Good Daughter: Natuloy na ang kasal nina Rico at Sharon | Week 4

By Aimee Anoc
Published September 16, 2021 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Alicia Mayer and Raymond Bagatsing


Sinira ni Frances ang ebidensyang hawak ni Bea na nagpapatunay na siya ang naglagay ng drugs sa bag nito.

Sa ikaapat na linggo ng The Good Daughter, pilit na pinapalayo ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) ang anak na si Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) kay Darwin (Rocco Nacino).

Kahit na anong paliwanag ni Bea sa ama na hindi masamang tao si Darwin ay hindi ito naniniwala. Nang mahuli ni Rico sina Bea at Darwin na magkasama sa iisang kwarto ay agad niyang pinagbubugbog ang huli. At para tuluyan nang mawala sa landas ng anak, ipinakulong ni Rico si Darwin.

Agad namang gumawa ng paraan si Bea para matulungang makalaya si Darwin. Pero nalaman din ni Rico ang paghingi ni Bea ng tulong kaya naman siya na mismo ang nagpunta sa kulungan. Dahil sa pagpupumilit ni Bea, pumayag na rin si Rico na palayain si Darwin.

Itinuloy naman ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) ang binabalak nitong bakasyon sa coffee farm kasama si Rico para yayain ang huli na magpakasal. Tinanggap naman ni Rico ang alok na kasal ni Sharon.

Samantala, nakakuha na ng ebidensya si Bea na nagpapatunay na si Frances (LJ Reyes) ang may kagagawan sa lahat ng masamang nangyari sa kanya tulad na lamang nang paglalagay ng drugs sa bag niya. Pero agad na gumawa si Frances ng paraan para masira ang ebidensya.

Nang mabalitaan ni Bea na magpapakasal na ang amang si Rico, agad na pinigilan niya ang kasal at sinabi sa ama ang nakuhang ebidensya. Pero hindi pa rin naniwala si Rico sa kanya at itinuloy ang kasal kay Sharon.

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: Rico puts Darwin in jail | Episode 16

The Good Daughter: Frances ruined plans | Episode 17

The Good Daughter: Sharon's ruined wedding day | Episode 18

The Good Daughter: Sharon is pregnant | Episode 19

The Good Daughter: Drastic changes in Bea's life | Episode 20