
Sa November 1 episode ng The Gift, naging madamdamin si Lola Char (Elizabeth Oropesa) nang isipin ang posibilidad na mahanap ni Sep (Alden Richards) ang tunay niyang ama matapos nito magkaroon ng pangitain tungkol sa kaniyang magulang.
Mahahanap kasi ni Sep ang tinagong wallet ng kanyang lola na maaaring makapagtuturo sa mga magulang niya.
Panoorin ang highlights ng November 1 episode ng The Gift.
Huwag bibitaw sa gumagandang kuwento ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.