Direk LA Madridejos, nais iparating ang mensahe ng bayanihan sa 'The Gift'
Nais ng direktor na si LA Madridejos na magparating ng hopeful at inspiring na mensahe sa pinakabagong GMA Telebabad serye na The Gift.
Sa mga unang episode pa lang kasi ng serye, makikita na ang iba't ibang pinagdadaanan ng mga karakter dito.
Kaya naman kahit si Sep na karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang bida sa serye, sinasalamin pa rin dito ang kuwento ng bawat isa sa atin.
Isa sa mga mensaheng nais iparating ng serye ay ang pagbabayanihan. Nakita na ito sa mga taong nakapaligid kay Sep na hindi nagatubiling tumulong sa kanya.
Para sa may mga pagsubok na pinagdadaanan kagaya nina Nadia at Sep...#TheGiftPagkupkop #TheGiftPagsubok pic.twitter.com/8OGDzTuRT2
-- la madridejos (@akosi_LA) September 18, 2019
Tumutok lang sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
Alden Richards, humuhugot ng inspirasyon sa Divisoria para sa 'The Gift'
Director LA Madridejos, ipinaliwanag ang halaga ng kariton ni Strawberry sa 'The Gift'