What's on TV

Ruru Madrid, pinahanga ang netizens sa kanyang guest role sa 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published September 18, 2019 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Trending muli ang pangalawang episode ng pinakabagong GMA Telebabad series na 'The Gift.'

Trending muli ang pangalawang episode ng pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.

Ruru Madrid
Ruru Madrid

Umabot ang official hashtag ng episode ng #TheGiftPagsubok sa top spot ng trending topics ng Twitter Philippines.


Nakita sa episode ang trahedya ng pamilya ni Joseph (Alden Richards) na nagsimula sa pagkamatay ng kanyang tatay na si Gener (TJ Trinidad).

Sinundan pa ito ng iba't ibang pagsubok kay Nadia (Jean Garcia) habang pinapalaki ang anak.

Mainit din ang naging pagtanggap ng netizens sa guest apperance ni Kapuso actor Ruru Madrid sa serye.

EXCLUSIVE: Ruru Madrid takes on a challenging cameo role in 'The Gift'

Gumanap siya sa episode bilang Eloy, kaibigan ng batang si Joseph (Aaron Villanueva) na may kakulangan sa pag-iisip. Isa siya sa magiging rason kung bakit mawawalay si Joseph kay Nadia.


Nag trend pa ang kanyang karakter na si Eloy sa 13th spot nationwide.


Trending din ang "Ruru" sa 17th spot nationwide.


Nagpasalamat naman si Ruru sa pagkakataong mag-guest sa primetime series.


Patuloy na subaybayan ang kahihinatnan ni Sep at iba pang mga karakter sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.


TJ Trinindad, inulan ng papuri sa kanyang pagganap sa 'The Gift'

Alden Richards, humuhugot ng inspirasyon sa Divisoria para sa 'The Gift'