WATCH: Alden Richards, sumabak na sa first taping day ng kaniyang bagong serye
Kahit masikip, maraming tao, at hindi maganda ang panahon, sumabak na sa first taping day si Kapuso actor Alden Richards para sa kanyang bagong soap sa network.
Pinamagatang, The Gift, gaganap si Alden bilang isang masinop at simpleng tagalako ng tinda sa Divisoria.
"Andito tayo sa Divisoria, siyempre marami tayong mga Kapuso dito na hindi ganun kadali ang buhay araw-araw at hirap sila.
"'Yung story ng soap is parang magbibigay pag-asa na in everday life hindi pwedeng andun lang tayo sa problema," aniya.
May regalo sa atin sina @aldenrichards02 and @tinyhedwig 😉 Exciting ito mga Kapuso!
A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on
Dagdag pa ng aktor, tiyak na kapupulutan ng aral raw ang The Gift kung saan tatalakay ito sa pag-asa at pananampalataya sa Diyos.
"Realizations in life, marami kaming ganun.
"Marami kaming ibibigay na ganun sa mga Kapuso natin," pagtapos ni Alden.
Makakasama niya sa soap sina Jo Berry, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Rochelle Pangilinan, Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Martin del Rosario, Divine Tetay, at iba pa.
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
WATCH: Alden Richards, nag-immersion sa Divisoria para paghandaan ang upcoming serye
WATCH: Mayor Isko Moreno, suportado ang bagong teleserye ni Alden Richards