
Sa ikasampung episode ng The Frog Prince, panibagong kasinungalingan na naman ang pinaniwalaan ni Alvin.
Mula nang mawala ang memorya ng CEO na si Alvin dahil sa isang aksidente, pinaniwala siya ni Pat na silang dalawa ay magkamag-anak.
At habang tumatagal, unti-unti nang nasasanay si Alvin na ituring si Pat bilang pinsan.
Ngunit isang araw, bigla na lang nalito si Alvin nang sabihin ng nanay ni Pat na sila ay magkasintahan at malapit na sanang ikasal.
Nang malaman iyon ni Alvin, agad niya itong pinaniwalaan.
Agad niyang pinuntahan si Pat upang sabihin ang bagong impormasyon na kanyang nalaman mula sa nanay nito.
Habang si Alvin ay masayang-masaya sa kanyang nalaman, labis naman ang pagkagulat ni Pat sa isang bagay na inimbento lamang ng kanyang nanay na si Mely.
Imbes na maisaayos ang lahat, mas naging komplikado pa ang kanilang sitwasyon.
At dahil dito, magsisimula na namang mag-adjust si Pat sa pakikitungo niya kay Alvin.
Is Alvin really in love?
Ano kaya ang susunod na mangyayari ngayong buo ang paniniwala ni Alvin na matagal na niyang kasintahan si Pat?
Alamin ang mga kasagutan sa mga susunod na eksena sa The Frog Prince, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.
Panoorin ang The Frog Prince at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: