
Nabigyan ng pagkilala ang GMA Telebabad show na The Cure ng World Screen, isang international publication that covers international media business for more than 30 years.
Napabilang ang The Cure sa Social Wit List ng World Screen bilang isa sa mga pinakapinag-usapang palabas sa Facebook at Twitter noong April 2018. Katunayan, umani ito ng 46,000 tweets at ang ilang netizens ay gumamit ng hashtag na #WalkingDeadFeelings #Exciting #NotYourAverageLoveStory.
Binigyang pugay ang kakaibang storyline ng The Cure dahil sa natatanging tema nito na halo ng family drama at isang apocalypse.
Patuloy na panoorin ang natatanging epidemya at drama ng The Cure, weeknights pagkatapos ng 24 Oras.