TV

WATCH: Ano ang ihahanda ng 'The Cure' stars kung sakaling magkatotoo ang epidemya?

By Bea Rodriguez
Updated On: April 26, 2018, 03:20 PM
Handa ba ang 'The Cure' cast sa pagkalat ng Monkey Virus Disease (MVD)?

Kakalat na ang epidemya sa GMA Telebabad ngayong Lunes, April 30. Handa na ang The Cure stars sa pagsiklab ng Monkey Virus Disease (MVD) sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Kung sakaling mangyari ito sa totoong buhay, magiging handa rin ang stars ng pinakabagong drama thriller series.

Sisiguraduhin ni Ultimate Star Jennylyn Mercado na meron siyang “Knife, lighter [at] pagkain.” Patawa niyang dinagdag, “At saka cheek tint para maganda ka pa rin.”

Tulad ni Jen, kailangan din ng makakain si Kapuso star Mark Herras, “Maraming pagkain para mag-survive.”

Self-defense naman ang pakana ng chinito actor na si Ken Chan, “Baril, siyempre, lalo na kapag mga zombies ang pinag-uusapan.”

Samantala, pakiramdam naman ni Kapuso leading man Tom Rodriguez ay hindi siya makakaligtas. Aniya, “Isa ako sa mga magiging infected kasi wala akong plano.”

Ngunit ang kanyang Plan B, “I would like to get away na lang to a remote location na hindi matao para at least kahit papaano, you can try to sustain yourself.”

Excited na ang cast na mapanood ito ng mga Kapuso dahil “dugo at pawis” ang kanilang inilaan sa show bilang physically demanding ang kanilang roles.

Panoorin ang report ng Unang Balita:

 

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.