What's on TV

Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, may kakaibang eksena sa 'The Cure'

By Bianca Geli
Published March 24, 2018 10:00 AM PHT
Updated March 24, 2018 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang isang matinding pasabog sa darating na Lunes, March 26.

May pasilip ulit ang The Cure lead stars na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa mga dapat abangan sa kanilang upcoming drama.

Sa Instagram Stories ni Jennylyn, makikitang nakasuot ng parang laboratory suit ang dalawa. Nilagyan rin ito ni Jennylyn ng hashtag na #TheCure at nilagyan ng caption na “Ikembot niyo pa kulang pa!”

Gaganap bilang mag-asawa sa The Cure sina Jennylyn at Tom Rodriguez na haharap sa isang kumakalat na epidemya. Kasama rin sa cast ng The Cure sina Jaclyn Jose, Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin, LJ Reyes, at Jay Manalo.

Panoorin ang unang pasilip sa The Cure:


Abangan ang full trailer sa 24 Oras ngayong Lunes, March 26.