Jennylyn Mercado may pasilip sa taping ng 'The Cure'
Balik taping ngayon si Jennyln Mercado para sa The Cure, kung saan makakasama niya si Tom Rodriguez, at mga StarStuck alumni na sina Mark Herras at LJ Reyes.
Sa kanyang Instagram story, ipinakita ni Jennylyn ang outdoor shoot niya kasama sina LJ at Tom.
Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Jennylyn at Tom sa isang GMA Primetime soap. Gaganap ang dalawa bilang mag-asawang hahamakin ang lahat mahanap lang ang lunas sa isang mysteryosong sakit na kumakalat.
Abangan ang The Cure, ngayong 2018 na!