Arabelle Dela Cruz
TV

'The Clash 2023' contestant Arabelle Dela Cruz, 'eye-opening' ang pagkanta ng 'Tatsulok'

By Jansen Ramos
Satisfied kaya ang 'The Clash' judges sa performance ng 21-year-old na si Arabelle Dela Cruz sa round two ng 'The Clash 2023'?

Ang Laguna singer na si Arabelle Dela Cruz ang unang sumalang sa round two ng The Clash 2023 na pinamagatang Laban Kung Laban.

Dito ay nakalaban niya sina Mark Avila, Pupa Dadivas, Kirby Bas, at Jean Drilon.

Inawit ni Arabelle sa nasabing round ang "Tatsulok" ng trio folk-rock band na Buklod na ni-revive ng bandang Bamboo.

Para sa Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas, eye-opening ang pagkanta ni Arabelle ng kantang may tema tungkol sa pulitika.

Napansin naman ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ang stans and expressions ni Arabelle na inilarawan niyang "pretty and sounded good."

Bagamat humanga sa performance ni Arabelle, may pasaring ang batikang mang-aawit. Sabi niya, "Hindi ko alam kung ikaw na nga ba ang aking hinahanap."

Impressed din si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista sa 21-year-old The Clash 2023 contestant pero, aniya, sana ay binigyan niya ito ng mas powerful na pagtatapos.

Komento ni Christian, "Na-feel ko yung passion, na-feel ko yung gigil sa simula kasi, yun nga, anti-establishment ito. Ganda ng mga variation ng boses.

"Ang hinahanap ko lang sa dulo talaga na parang sana sumabog. Sana yung gigil na parang lalaban ako.

"Meron lang siguro akong personal bias and expectation at the very, very end na parang nag-explode s'ya. Still a very, very wonderful performance."

Sa huli, nakabalik sa 'Top of the Clash' si Arabelle at makakatawid sa next round ng The Clash 2023, kasama sina Mark, Kirby, at Jean.

Panoorin ang performance ni Arabelle dito:

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.

Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH CHAMP, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.