pandemic
TV

Mariane Osabel, ido-donate ang bahagi ng napanalunan sa 'The Clash 2021' sa bagyong Odette victims

By Jansen Ramos
Personal ding maglulunsad ang 'The Clash 2021' winner na si Mariane Osabel ng isang virtual concert for a cause kasama ang kanyang batchmates sa kompetisyon.

May plano na agad ang bagong kampeon ng The Clash na si Mariane Osabel sa kanyang napanalunan sa TV competition.

Ayon sa media conference ng Iligan City singer ngayong December 22, nais niyang i-donate ang bahagi ng cash prize niyang isang milyong piso para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at sa mga kababayan niya sa Mindanao.

Personal ding maglulunsad si Mariane ng isang virtual concert for a cause kasama ang kanyang The Clash batchmates.

Bahagi niya, "Gusto ko pong tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Plano ko po maki-collaborate sa mga co-Clashers ko and gusto ko pong mag-virtual concert for a cause at ibibigay ko po 'yung nalikom namin sa mga nasalanta ng bagyong Odette."

Bukod sa pagtulong, nais din daw gamitin ni Mariane ang napanalunang premyo sa pagpapatayo ng negosyo at para sa medical assistance ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arne na isang kidney transplant patient.

Aniya, malaki ang impluwensya ng kanyang Kuya Arne sa kanyang singing career kaya isa sa mga ipinagpapasalamat niya ngayong taon ay ang paggaling ng kanyang kapatid, na 17 years ang agwat sa kanya.

Ika ni Mariane, na bunso sa limang magkakapatid, "Sobrang blessed po kami kasi si Kuya Arne kidney transplant patient, and last year lang kritikal po 'yung condition ni Kuya and, miraculously, nagamot po siya.

"Sobrang naka-witness po ako ng miracle na 'yun po 'yung isa sa mga inspiration ko na grabe si Lord talaga.

"Sobrang pray po namin no'n and parang nawalan na rin po kami ng pag-asa and tinuloy-tuloy lang po namin 'yung prayers para kay Kuya and, miraculously, nasagot po.

"So isa po 'yun sa isa sa mga pinasasalamatan ko na in good health si Kuya Arne at 'yung family ko."

Ayon pa kay Mariane, ang kanyang Kuya Arne ang unang naniwala na siya ang mananalo sa The Clash 2021.

Maliban sa cash prize na Php one million, ginawaran din si Mariane ng exclusive contract sa GMA-7 at bagong house and lot mula sa Camella matapos tanghaling ikaapat na grand champion ng The Clash. Sa kabuuan, mahigit Php four million ang napanalunan ni Mariane.

Kilalanin pa ang bagong The Clash winner dito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.