marian osabel of the clash
TV

Mariane Osabel wowed 'The Clash' panel in her 'hair-flicking' performance

By Jansen Ramos
Inawit ni Lanao Del Norte native Marian Osabel ang "It's a Man's Man's Man's World" ni James Brown sa "Round 2: Laban Kung Laban" ng 'The Clash 2021.'

Abot-abot ang pasasalamat ni Christian Bautista sa The Clash 2021 contestant na si Mariane Osabel dahil sa pagbibigay nito ng impressive performance sa round two o "Laban Kung Laban" round ng GMA singing competition.

"Salamat, Mariane, salamat talaga sa performance na 'yon. Salamat dahil hindi ka kinakabahan. In-e-enjoy mo na lang, nilalaro mo na lang, feel na feel mo 'yung kanta," komento ng romantic balladeer sa Lanao Del Norte native matapos marinig ang rendition nito ng "It's a Man's Man's Man's World" ng late American singer na si James Brown.

Na-impress si Christian sa confidence ni Mariane habang nasa stage lalo pa noong mag-hair flick ang 23-year-old singer.

Dugtong ng The Clash judge, "No'ng nag hair flick ka, isa lang 'yun, na-feel 'yon ng co-judges ko. Salamat napakagaling na performance. Thank you."

Natuwa naman si Aiai Delas Alas sa showmanship ni Mariane kaya binigyan niya ito ng grade na "shakalaka" na ibig sabihin ay approved sa kanya ang pag-awit ng Clasher.

"Talaga naman ang kinanta mo ay "This Is A Man's World" pero pinasok mo ang mundong 'yan kasama ng pagpasok namin at dahil diyan pinapasok mo kami sa mundong 'yan.

"Pinamerienda mo kami kaya naisip ko ngayon na ipasok ang boto ko dito ngayon, shakalaka," komento ng Comedy Concert Queen.

Bilang ina, naniniwala si Lani Misalucha na very proud ang mommy ni Mariane sa kanya.

Ika ng Asia's Nightingale, "Kung nanonood si mommy ngayon, I am very, very sure that she's so proud of you.

"You did so, so well. You were just so cool and enjoying yourself and the voice was like solid. Basta good luck and thank you for that performance."

Panoorin ang buong performance ni Mariane dito:

Dahil sa kanyang magandang performance, automatic na pasok si Mariane sa round three ng The Clash 2021.

Patuloy na subaybayan ang kanyang musical journey tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.

Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.

Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.