TV

'The Clash 2021' contestant Reign Lanz gets support from the panel after her performance fail

By Jansen Ramos
"Bad days happen pero we know that you're a good singer," komento ng 'The Clash' judge na si Christian Bautista sa performance ni Reign Lanz.

Kitang kita sa mukha ng The Clash contestant na si Reign Lanz ang kanyang disappointment matapos pumiyok sa dulong parte ng kanyang performance ng "Sino Ang Baliw" sa round one ng kompetisyon.

Bagamat aminadong hindi satisfied sa kinalabasan ng kanyang pag-awit, nakakuha ng suporta si Reign mula sa The Clash panel.

Ika ni Christian Bautista, "I appreciate it that you are honest so do'n nga tayo medyo nahirapan and a little bit do'n sa aria do'n sa gitna.

"But despite that, you have a good voice, you are a singer. Magaling ka, maybe it's just a bad day. Bad days happen pero we know that you're a good singer."

Ayon kay Lani Misalucha, alam niya ang pinagdaanan ni Reign dahil mahirap ang arrangement na kanyang napili para sa kanyang song choice.

Ani ng Asia's Nightingale, "Medyo difficult ito e, 'yung ganyan talagang challenging kasi meron siyang mabilis na pacing.

"It takes also practice na ma-master mo 'yung gano'n na parang, wow, kasi it's going to be magical once na nangyari 'yon. And talagang nakaka-impress 'yung ganong quality ng isang singer."

Para lalong pagaanin ang loob ni Reign, idinaan naman ni Aiai Delas Alas sa pagpapatawa ang kanyang komento sa performance ng Clasher.

Sabi ng Comedy Concert Queen, "Minsan kasi sa isang performer at singer, hindi naman dapat 'yung sobra kang magaling kumanta. Minsan may mga paandar din 'yan so kung ito ang kanta mo, Sino Ang Baliw, minsan siguro lagyan mo ng baliw-baliwan. Minsan hindi lang tungkol sa kanta, minsan 'yung uniqueness mo as a performer."

Nakakatawa pang dugtong ni Aiai, "Nako, Neng, pasok ka 'pag nagbaliw-baliwan ka tapos 'yung boses mo naman is okay. Next time ah, mag baliw-baliwan ka diyan, Neng. 'Pag gumulong-gulong ka diyan, Neng, pik pak boom shakalaka-laka ang bibigay ko sa 'yo."

Nagtapos ang The Clash journey ni Reign matapos paboran ng panel ang katunggali niyang si Lovely Restituto ng Leyte.

Hindi na rin makakabalik sa kompetisyon si Reign dahil hindi siya napaupo sa blue chair sa pagtatapos ng round one.

Sa ngayon, nasa round two na kompetisyon kung saan maglalaban-laban ang top 20 Clashers.

Patuloy na subaybayan ang The Clash 2021 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.

Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.

Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.