Pinsan ni 'Protegé' winner Krizza Neri, sasabak sa 'The Clash 2021'
Naniniwala ang 24-year-old Misamis Oriental singer na si Jessa Jane Neri na siya ang susunod na The Clash grand champion.
Palaban ang band vocalist tulad ng kanyang pinsan na si Krizza Neri, ang winner ng 2011 reality-based singing talent show ng GMA na Protegé: The Battle for the Big Break.
Ayon kay Jessa Jane, "Isa po akong band vocalist sa Misamis Oriental, sobrang lucky ko po na isa ako sa mga nakapasok dito sa The Clash.
"Sobrang saya po, ang saya sa feeling na nire-represent ko po 'yung Misamis Oriental, palaban kami mgang Bisaya."
Para kay Jessa Jane, edge niya ang pagpe-perform sa harap ng maraming tao kaya naman nagkakaroon siya ng maraming tagasuporta.
Sa katunayan, nagkaroon na siya ng guestings sa community platform na Kumu kung saan nakasama niya ang kanyang pinsan na si Krizza, The Clash season one contestant na si Muriel Lomadilla, mga actor/singer na sina Gab Pangilinan at Marlo Mortel, at iba pa.
Dagdag ni Jessa Jane, "Malaking tulong po na isa akong band vocalist do'n kasi nahasa 'yung pagkanta ko, nagpa-pratice kami.
"I will be then next grand champion of The Clash kasi gagawin ko po ang lahat para sa laban na ito."
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:
Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash 2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.
Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.
Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.