the clash and new york festivals
TV

'The Clash,' finalist sa 2021 New York Festivals TV & Film Awards

By Jansen Ramos
Kabilang ang 'The Clash' sa anim na entries ng GMA na maaaring manalo ng gold, silver, o bronze medal mula sa 2021 New York Festivals TV & Film Awards.

Napiling finalist ang GMA reality singing competition na The Clash sa New York Festivals TV & Film Awards ngayong taon.

Nakaabot sa finalist level ng kompetisyon ang Kapuso program para sa kategoryang Entertainment Program: Variety.

The Clash finalists in New York Festivals

Sa kabuuan, anim na entries ng GMA, kabilang ang The Clash, ang maaaring manalo ng gold, silver, o bronze medal mula sa New York Festivals.

Ibig sabihin lang nito, ang Network ang may pinakamaraming short-listed entries mula sa Pilipinas para sa TV & Film Awards ng nasabing organisasyon. Tinatayang 40 bansa ang nagpasa ng kanilang entries para sa TV and film competition ng New York Festivals ngayong 2021.

Bukod sa The Clash, finalist din ang Alden's Reality concert at GMA Public Affairs programs na Kapuso Mo, Jessica Soho ("The Woman Slashed On Her Face"), Reel Time ("This Abled"), Reporter's Notebook ("Miguel's Wounds") at The Atom Araullo Specials ("Dreams of Gold").

Ayon kay Rose Anderson, VP/Executive Director ng New York Festivals TV & Film Awards, sa isang press release, “This year's finalists used their imaginations and mastery of their craft to engage their audiences in a year like no other.”

Lahat ng content na ipinasa sa New York Festivals ay sinuri ng Grand Jury na binubuo ng mahigit 200 producers, directors, writers at iba pang creative media professionals mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Iaanunsyo ang winners sa October 12 sa Storytellers Gala sa National Association of Broadcasters trade show sa Las Vegas.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.