Cholo Bismonte at Princess Vire in The Clash 3
TV

Ex-Sugarpop member and returning Clasher get eliminated in 'The Clash'

By Jansen Ramos
Laglag na sa 'The Clash' sina Cholo Bismonte at Princess Vire matapos ma-eliminate sa round four ng kompetisyon na pinamagatang 'Royal Rambol.'

Natapos na ang The Clash journey ng former Sugarpop member na si Cholo Bismonte at returning The Clash contestant na si Princess Vire noong Linggo, November 22.

Ito ay matapos pairalin ang double elimination sa round four ng kompetisyon na pinamagatang 'Royal Rambol.' Sina Cholo at Princess ay kabilang sa grupong All New Vibe na nakakuha ng pinakamababang score mula sa The Clash panel.

Dahil ang grupo ang napunta sa bottom, kinailanagan nina Cholo, Princess, at dalawa pa nilang ka-grupo na sina Fritzie Magpoc at Niña Holmes na maglaban-laban sa 'Matira Ang Matibay.'

Panoorin ang kanilang performances dito:

Bago ianunsyo ang huling ligtas--si Niña, nagbigay ng nakaantig na mensahe ang The Clash judge na si Christian Bautista.

Sambit ng Asia's Romantic Balladeer, "I just remembered na lahat kayo are returning from another singing contest or another season of The Clash so it's very, very brave of you [na sumali ulit sa isang singing competition.]

"Katulad nga ng sabi natin sa The Clash, 'hanggang sa dulo, 'di susuko' so pwedeng hindi pa ito ang dulo n'yo, pwedeng ito na pero baka iba ang inyong dulo. 'Yun po ang dapat nating isipin so maraming salamat at andito po kayo ulit para makita po namin kayo."

Sa pagbubukas ng round five ng kompetisyon na pinamagatang 'Isa Laban Sa Lahat,' napili si Sheemee Buenaobra ng randomizer para gumawa ng isang mahalagang desisyon na malalaman sa susunod na linggo.

Abangan 'yan sa The Clash ngayong Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m., sa GMA-7.

Kung hindi man kayo makanood sa telebisyon, may livestreaming ang programa sa Facebook page at YouTube channel nito.

RELATED CONTENT:

IN PHOTOS: Meet the Top 12 of 'The Clash' Season 3

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.