TV

Jessica Villarubin at Renz Robosa get a standing ovation from 'The Clash' judges

By Jansen Ramos
Sa pambihirang pagkakataon, nakatanggap ng standing ovation ang "Power Promdis" mula sa tatlong 'The Clash' judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista at Pops Fernandez.

Mala-concert ang dating ng performance nina Jessica Villarubin at Renz Robosa sa 'Pares Kontra Pares' round ng The Clash, ayon sa mga hurado.

Inawit nina Jessica at Renz Robosa, na binansagang "Power Promdis," ang hit song ni Erik Santos na "Pagbigyang Muli."

Sa katunayan, nakatanggap pa sila ng standing ovation mula sa tatlong hurado na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Pops Fernandez na bihirang mangyari sa kompetisyion.

Bungad ni Christian, "It's so good.

"Grabe, your voices talagang nagbe-belend. There was emotion, there was connection. Tinitingnan ko rin 'yung mata n'yo kung tinitingnan n'yo 'yung isa't isa at tinitingnan n'yo nga ang isa't isa kasi duet e, that's what it is all about."

Ayon pa sa Asia's Romantic Balladeer, nakatulong ang set design ng The Clash para lalong madama ang emosyon sa pag-awit nina Jessica at Renz.

Patuloy ni Christian, "And I have to commend also our stage, our lights, our graphics sa likod, the costume. Parang naging concert feel e, parang nawala ako sa Clash studio and then I was in a concert."

Sang-ayon naman si Pops Fernadez sa komento ni Christian dahil maging siya ay nadala sa performance ng "Power Promdis."

Saad ng concert queen, "I'm just here to judge, of course, but I got carried away also. Naging audience ako.

"Everything [Christian] said is true and bagay na bagay ang boses n'yo together.

"I love that there's so much emotion sa song at confident na confident kayo. I didn't worry about the notes. I know Jessica could reach it, si Renz din. When you do a duet, it's a totally different thing."

Para naman kay comedy concert queen Aiai Delas Alas, nadama niya ang teamwork sa pagitan nina Jessica at Renz.

"Your duet is very, very harmonious," ika ng komedyante.

Sabi pa ni Aiai, "Naging responsable kayo sa isa't isa so ano ang kinalabasan, it's an isorhythmic duet."

Panoorin ang "Pagbigyang Muli" duet nina Jessica at Renz dito:

Sa huli, pinaboran ng judges sina Jessica at Renz kaysa sa kanilang katunggali na sina Kyle Pasajol at Princess Vire.

Dahil sina Kyle at Princess ang napunta sa bottom, kinailangang maglaban ng magkakampi sa 'Matira ang Matibay' round kung saan si Princess ang itinanghal na panalo.

For more thrilling twists, subaybayan ang The Clash tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.

May livestreaming din ang The Clash na mapapanood sa official Facebook page at YouTube channel ng programa.

Maaaring mapanood din ang judges' reactions and comments sa kanilang performance DITO.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.