TV

Antonette Tismo, pasok sa final six ng 'The Clash'

By Jansen Ramos
Matapos ma-eliminate, nabigyan ng chance si Antonette Tismo na makabalik sa 'The Clash.'

Ang binansagang Viral Princess ng Paranaque na si Antonette Tismo ang kumumpleto sa The Clash final six.

Na-eliminate ang 16-year-old singer noong December 1 ngunit nabigyan ng chance makabalik sa The Clash matapos tanggapin ang imbitasyong sumali sa Clashback, ang wildcard round ng singing competition.

The Clash 2019: Janina Gonzales vs Antonette Tismo | Exit Interview

"Kaya hindi ako nakapagpahinga kasi siyempre, last week lang ako natanggal tapos lalaban ka ulit pero blessed naman kasi ayos naman 'yung nangyari," sambit ni Antonette sa exclusive ng interview ng GMANetwork.com sa The Clash final six media conference ngayong Martes, December 10.

"Chance ko na ulit 'to. Iniisip ko rin po 'yung title saka 'yung pera kasi ang laki ng maitutulong no'n, parang do'n na ko naka-focus ngayon."

Nakatunggali ni Antonette sa Clashback ang mga kasamahan niyang na-eliminate mula sa top 12 na sina Al Fritz, Clark Serafin, Lorraine Galvez, Sassa Dagdag, at Tombi Romulo.

Ani Antonette, "Kailangan naming magtago kasi hindi alam ng Clashers na magkakaroon ng Clashback. Kailangan patapusin muna sila mag-rehearse bago kami."

Nanalo si Antonette sa wildcard round at nakatapat muli si Janina sa Matira ang Matibay round kung saan hinirang ang una bilang Top of the Clash.

Ito ang nagbigday-daan kay Antonette para mapabilang sa The Clash final six.

Ang lima pang kabilang dito ay binubuo nina Aljon Gutierrez, Jeniffer Maravilla, Jeremiah Tiangco, Nef Medina, at Thea Astley.

Nang tanungin kung ano ang ipapakita niya sa pagtatapos ng The Clash, ito ang palabang sagot ni Antonette: "Kailangan n'yo po abangan na hindi lang pang 16 years old 'yung ipapakita ko ngayong Sabado at Linggo. Gusto ko ipakita na hindi lang ako puro birit."

Biro pa niya, "Sasayaw po ako ngayon kasi 'di po ako marunong sumayaw kasi 'yung paa ko parehong kaliwa. 'Di po ako mag-ga-gown para makagalaw ako."

Si Antonette na kaya ang tatanghaling The Clash Season 2 grand champion?

Abangan 'yan sa huling dalawang episode ng The Clash ngayong Sabado, December 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kwento, at nayong Linggo, December 15, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.