LOOK: 12 maglalaban-laban sa susunod na round ng 'The Clash,' kumpleto na!
Matapos sumailalim sa iba't ibang hamon, 12 ang natirang matibay at magpapatuloy sa pag-abot ng kanilang pangarap sa pinakamainit na singing competition sa bansa, ang The Clash.
Anim na babae at anim na lalaki ang maglalaban-laban sa next round ng kompetisyon, ang Isa Laban Sa Lahat.
Sa grupo ng mga babae, sasabak sa mas matindi pang bakbakan sa kantahan sina Jeniffer Maravilla, Lorraine Galvez, Thea Astley, Sassa Dagdag, Janine Gonzales, at Antonette Tismo.
Samantala sa grupo naman ng mga lalaki, pasok sa next round sina Tombi Romulo, Al Fritz, Clark Serafin, Aljon Gutierrez, Jeremiah Tiangco, at Nef Medina.
Kahit paunti nang paunti ang maglaban-laban sa titulong The Clash Season 2 Grand Champion, parami naman nang parami ang twists na magaganap sa kompetisyon.
Alamin kung anu-ano pang challenges ang haharapin ng Clashers sa susunod na linggo, November 16 at November 17, sa The Clash.
Aiai Delas Alas, sinabing marami pang magaganap na twists sa 'The Clash'