TV

WATCH: What happened behind the scenes of 'The Clash' arena

By Jansen Ramos
Kakasimula pa lang ng bagong season ng 'The Clash,' intense na ang mga tagpo sa kompetisyon.

Kakasimula pa lang ng bagong season ng The Clash, intense na ang mga tagpo sa kompetisyon.

The Clash
The Clash

Maging ang tensyon backstage ay ramdam na ramdan din ng top 64 Clashers.

Sumalang na sa unang round si Rocelle Solquillo ngunit bago ang kanyang performance, nawalan siya ng tiwala sa kanyang sarili matapos mapili ng randomizer dahil masama pala ang kanyang pakiramdam.

Sabi niya, "Nagkasakit ako, ngayon pa po, pero gagawin ko po ang best ko para po sa Mama ko."

Sa kabilang banda, inatake naman ng anxiety si Chrisel Dela Cruz. Ayon sa isang medic personnel, nahirapan siyang huminga sanhi ng tensyon dahil masyado siyang naapektuhan sa mga natalong Clasher.

Naging emosyonal naman si Armando Cruz dahil sa pagkatalo ng kanyang mga kaibigan na sina Karla Villondo at Enrico Villaruz.

Kuwento ni Armando, "It's just really painful to see my two friends leave. Actually, lahat naman sila friends ko, but I am really close with Enrico and Karla."

"Enrico, in the first place, sa final callback pa lang, nag-iiyakan na kami kaya when I knew that he got in, sobrang saya ko. It was really painful in my part to see him go but I know he's gonna go far."

Panoorin ang buong panayam sa The Clash cam:

WATCH: Sinong Clasher ang pinangalanan ni Super Tekla na "Tombi?"

WATCH: Kilalanin ang "Mr. Hips" ng 'The Clash'

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.