
Natapos man ang The Clash journey ni Melbelline Caluag kagabi, hindi naman doon nagtatapos ang kanyang journey bilang isang singer.
Sa isang exclusive interview with GMA Network, naikuwento ng former Clasher kung sino ang gusto niyang maka-collaborate pagkatapos ng The Clash.
Aniya, "Ang sa akin po, syempre wala nang iba, si Mr. Christian Bautista po kasi sobrang galing niya. Tapos crush na crush ko siya. Fan girl [talaga ako ni Christian.]"
Ano naman ang nararamdaman niya ngayong nakasama na niya si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista sa The Clash, kung saan isa sa mga judges ang singer-actor?
Ika niya, "Sobrang kilig talaga. Sobrang masaya, kasi akala mo hanggang pangarap na lang, akala mo hanggang TV ka na lang. Nakakakilig."