'The Clash,' ipapalabas na ngayong July!
Ngayong wrap-up na ang auditions para sa upcoming singing competition ng GMA Network, ang The Clash, pipili na ng finalists sa magaganap na callback this May 4.
Kabilang sa screening panel na masusing kumilatis sa possible contestants during the auditions at sa darating na final call back ay ang kilalang TV director, writer at musician na si Direk Bert de Leon, ang lead singer ng bandang South Border na si Jay Durias, at award-winning composer at record producer na si Vehnee Saturno.
A post shared by GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) on
Ang The Clash, hosted by Asia's Songbird Regine Velasquez, ay ipapalabas na this coming July 2018. Sasamahan si Regine ng tatlong batikang celebrities sa larangan ng musika at telebisyon na bubuo ng panel of judges. Abangan kung sino-sino ang bubuo ng Clash Panel.
Sino-sino kaya ang makukuhang finalists na malapit nang magsalpukan sa The Clash?