Regine Velasquez, ipinaliwanag ang pinagkaiba ng 'The Clash' sa ibang singing competitions
Ongoing ang audition para sa new singing competition ng GMA Network, hosted by Asia's Songbird Regine Velasquez. Sa isang interview with 24 Oras, naikuwento ni Regine kung ano ang pinagkaiba ng The Clash sa ibang singing contests.
Aniya, "We start na parang mga sixty sila karami, then igru-grupo sila. So, may mga night na makikita n'yo na group sila. So, maglalaban laban as a group sila. Then eventually nagwa-one-on-one. 'Yun ang pinaka-exciting para sa akin, 'yung puwede kang pumili ng kalaban mo."
Sa Davao na ang susunod na audition para sa The Clash. Gaganapin ito sa The Annex, Event Center, SM City Davao sa March 10.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News