The Clash Season 3 top 30
TV

IN PHOTOS: Meet 'The Clash' Season 3 Top 30

Matapos ang 10 buwan, handa na muli ang all-original Filipino singing competition na 'The Clash' na maghanap ng maaaring susunod na singing idol sa bansa.

Mula sa daan-daang nag-audition, 30 kalahok ang masuwerteng nakapasa para makatungtong sa opisyal na unang round ng kompetisyon kung saan makakaharap nila ang ang mas makilatis at mas masuring 'The Clash' panel na binubuo nina Comedy Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.


Mula sa nakagawiang 64 Clashers, binawasan sila ng mahigit kalahati. Ibig sabihin, mas magiging mahigpit ang laban dahil sinalang mabuti ng 'The Clash' screening panel ang mga kalahok na tutungtong sa next round.

Fourteen contenders sa NCR, 13 sa Luzon, dalawa sa Cebu, at isa sa Mindanao ang may tiyansa na tanghaling 'The Clash' grand champion gaya nina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco.

Tunghayan sa GMA-7 ang journey ng 'The Clash' Season 3 Top 30 this new nornal tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m., simula October 3.

Pero bago 'yan, kilalanin muna sila sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.