
Isa ang 28-year-old Zambales native na si Angel D. na lalaban sa grand finals ng The Clash 2024 ngayong Sabado, December 14.
Haharapin niya ang kaniyang kapwa Final 4 finalists na sina Alfred Bogabil, Chloe Redondo, at Naya Ambi.
Bukod sa pagrerepresenta sa kanyang probinsya, proud na miyembro ng LGBTQIA community si Angel D.
"'Pag sinabing pride parang lahat nire-represent mo pero yung pinaka honor po sa 'kin, aside from pride ako ng buong bayan ko ng Zambales, syempre nire-represent ko rin 'yung pride community which is nakakatuwa, 'yun 'yung parang nakaka-melt ng puso talaga," bahagi ng The Clash 2024 finalist sa panayam ng GMANetwork.com.
Inamin naman ni Angel D. sa panayam ng GMA Integrated News na hindi naging madali ang kanyang journey dahil nahirapan siyang mag-out lalo na sa kanyang pamilya.
"Masakit po sa 'kin 'yon lalo na kung galing sa sarili mong pamilya at 'yun po 'yung naging challenge sa akin para mas maging matibay po ako ngayon," aniya.
Sa ngayon, unti-unti na raw siyang natatanggap ng kanyang mga mahal sa buhay, bagay na ipinagpapasalamat niya.
Kaya kung may kanta man siya para sa kanyang sarili, ito raw ay "You'll Never Walk Alone" ng English musical band na Gerry and the Pacemakers.
Ang Pride Bokalista ng Zambales na ba ang susunod na magiging The Clash grand champion?
Tutukan 'yan sa The Clash 2024 ngayong Sabado, December 14, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.