julie anne san jose and rayver
Image Source: niceprintphoto (Instagram)
TV

Rayver Cruz on wedding with Julie Anne San Jose: 'Darating naman po tayo diyan'

By Jansen Ramos
Tipid ang sagot ni Rayver Cruz sa tanong kung kailan siya magpo-propose sa girlfriend na si Julie Anne San Jose dahil gusto niyang masorpresa ito: "Basta alam ko sa puso ko na wala naman akong gustong pakasalan kundi si Julie Anne San Jose."

Inusisa ng press ang personal na buhay ng on- and off-screen partners na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa media conference ng The Clash 2024, kung saan sila hosts, noong September 12 sa GMA Studio 7.

Dalawang taon na ang relasyon ng Kapuso couple kaya laging tanong kay Rayver ay kung kailan ito magpo-propose sa kanyang girlfriend.

Tipid ang kanyang sagot dahil gusto niyang masorpresa si Julie. Peo ang sigurado raw munang mangyayari ay ang paghingi niya ng basbas sa mga magulang ng kanyang nobya bago siya gumawa ng plano.

Sabi ni Rayver, "Ang unang makakaalam ng lahat ng plano ko, kunwari 'di n'ya (Julie) nadidinig, siyempre sila tito at tita kaya naman happy 'yung lahat, 'yung relationship namin kasi talagang napakabuti nila, and very thankful ako sa parents ni Julie. Parang nagkaroon din ako ng nanay at tatay bilang wala na 'yung mga magulang ko, very thankful ako sa kanila."

Bukod sa The Clash 2024, coach din si Julie sa The Voice Kids at mainstay sa All-Out Sundays. May mga nakalatag ding ibang proyekto ang Limitless Star. Kaya kung date ang pag-uusapan, malabo raw mangyari ang kanilang kasal sa 2025.

“Hindi po kasi ako makasagot no'ng tanong na 'yan. Magdedepende po talaga 'yan e,” sagot ni Julie.

Sa palagay naman ni Rayver, "Mahirap po kasi magbigay ng definite date kasi 'yan po 'yung laging tanong sa 'kin. Kung wedding naman ang pag-uusapan, darating naman po tayo diyan in God's perfect time."

Bagamat wala pang detalyadong planong ibinahagi si Rayver, sigurado raw siya na si Julie ang gusto niyang pakasalan.

"Basta alam ko sa puso ko na wala naman akong gustong pakasalan kundi si Julie Anne San Jose pero kung definite date, kelan, anong plano, mahirap sagutin 'yan kasi internal muna nangyayari 'yan pero definitely you, guys will know naman. 'Di naman 'yun para itago."

Dagdag ni Rayver, "Manghula na lang din kayo, maganda na surprise para sa lahat."

Maingat din ang sagot ni Julie na naniniwalang ang nasa itaas lang ang makakaalam kung kailan ito mangyayari.

Aniya, "But I guess we never really know when kasi when you both feel it na, then I guess 'yun ang kaloob ni Lord."

Kinukutuban ba si Julie kung kailan magpo-propose si Rayver?

Tugon niya, "Sometimes it crosses my mind but pero minsan shina-shrug off ko na lang like again, gusto ko nga rin ma-surprise."

Sabi pa niya bago tumawa, "Di pa naman ako kinukutuban."

Sabay sundot ni Rayver, "Maganda 'yung ganyan para ma-surprise siya kapag dumating 'yung araw na 'yon."

Kung may iimbitahan daw silang past Clashers sa kanilang kasal, gusto nilang pumunta ang The Clash graduates na miyembro ngayon ng 'Queendom,' kung saan parte rin si Julie, na sina Thea Astley, Jessica Villarubin, at Marian Osabel. Gusto rin nina Julie at Rayver na masaksihan ang araw na iyon ng kanilang kaibigan at kasamahan sa The Clash na si Christian Bautista.

Related Gallery: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are a sweet couple in California

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.