Vilmark at John Rex, excited na sa bagong season ng 'The Clash' ngayong 2024
Excited na sina Vilmark at John Rex para sa brand-new season ng The Clash ngayong 2024.
Kapwa naging bahagi ang dalawang Kapuso singers ng sikat na singing competition show na ito ng GMA. Itinanghal si Vilmark na first runner-up noong The Clash 2021, habang si John Rex ang nag-kampeon sa The Clash 2023.
Sa naganap na "Virtual Hangout Live" ng GMA Music, ikinuwento nina Vilmark at John Rex kung paano naging turning point ng kanilang mga career ngayon ang pagsali sa The Clash.
"Sobrang laking tulong ng The Clash," sabi ni Vilmark. "For me ito 'yung turning point ng buhay ko, career as a singer. Tapos na-discover ko pa na kaya ko palang magsulat ng kanta.
"To be honest, I didn't imagine myself joining a competition on national TV. Pero, siguro, in God's grace na para mabigyan ako ng lakas ng loob to try out para sa audition. And blessed ako na nabigyan ng pagkakataon na umabot hanggang huling tapatan."
Para naman kay John Rex, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na binigyan siya ng chance, sa pamamagitan ng The Clash, para maipagpatuloy pa ang pangarap niyang maging isang singer.
Kuwento niya, "Kaya rin ako napunta sa The Clash kasi sabi ko sa sarili ko na The Clash na 'yung magiging last ko na pagsali sa kompetisyon. Kasi nakapag-auditions na rin ako sa ibang [singing] competition on national TV.
"Pero sa lahat ng pinag-audition-an ko, feeling ko kailangan ko nang huminto. Kailangang matuldukan ko na 'yung dream ko na maging isang singer, na kung talagang para sa akin... ito na 'yung last ko. Kung makakapasok ako [mabuti], kung hindi man tuldok na, tama na."
Matapos ang naging journey nila sa The Clash, kapwa naging recording artist sina Vilmark at John Rex ng GMA Music. Tuloy-tuloy rin ang pagpe-perform nila sa All-Out Sundays at iba't iba pang shows sa GMA.
Sa ngayon, nakapag-record na si Vilmark ng tatlong kanta sa GMA Music--ang "Paraya," "Lisan," at "INOWY" (I'm Not Okay Without You).
Samantala, noong February 16, inilabas na ni John Rex ang debut single niyang "Someday In Your Life," na agad na napasama sa Top 16 ng iTunes Philippines' Top 100 songs.
MAS KILALANIN SI JOHN REX SA GALLERY NA ITO: