WATCH: Andrea Torres, nag-react sa mean comments para kay Juliet ng 'The Better Woman'
Hinarap ni Kapuso actress Andrea Torres ang hamon ng pagbabasa ng mga komento ng netizens tungkol sa kanyang The Better Woman character na si Juliet.
Sa kuwento ng serye, sisirain ni Juliet ang pagsasama ng kakambal niyang si Jasmine at asawa nitong si Andrew.
Maraming netizens ang naiinis pero natatawa sa mga kalokohan ni Juliet.
"Actually, ang dami kong nakukuhang comments na ganito. Natatawa sila sa mga ginagawa ni Juliet," kuwento ni Andrea.
May mga nagsasabi din na dapat palayasin na si Juliet hindi lang sa bahay ng mag-asawa kundi sa buong show.
"Huwag! Mami-miss kong maging twins 'pag pinalayas natin si Juliet," sagot ng aktres.
Mayroon namang nagmungkahi na huwag nang mag-damit at lagi na lang magsuot ng two piece swimsuit si Juliet.
"Okay na ko magdamit ngayon. Na-enjoy ko nga eh," natatawang sagot ni Andrea.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa lahat ng mga sumubaybay sa kanilang serye.
"Bago pa lalong uminit ang mga comments, maraming salamat po sa pagsuporta ninyo sa 'The Better Woman' kahit naiinis kayo kay Juliet. Siyempre, natutuwa kaming malaman na affected kayo sa kanya. Mula kay Juliet, pasensiya na po, pero hindi ako titigil hanggang sa makuha ko si Andrew," aniya.
Tumutok sa huling dalawang gabi ng The Better Woman, pagkatapos ng The Gift sa GMA Telebabad.
WATCH: 'The Better Woman' star Andrea Torres, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso
Derek Ramsay, maraming natutunan sa mga batang co-stars sa 'The Better Woman'