TV

WATCH: 'The Better Woman' star Andrea Torres, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso

By Marah Ruiz

Madali daw para kay The Better Woman lead actress Andrea Torres na umiwas sa mga tukso habang nasa isang relationship.


Lagi lang daw dapat alalahanin ang commitment mo sa isang tao.

"Aalalahanin mo lang 'yung commitment. Siyempre, 'pag may takot ka sa Diyos, automatic na 'yun--alam mong mali 'yun and at the same time takot ka rin sa karma," pahayag niya.

Malaking bagay din daw na tunay ang pag-iibigan ng mag-nobyo para sa isang tapat na relasyon.

"Hindi naman siya talaga mahirap gawin especially when you're in love. Hindi siya mahirap gawin. Parang hindi ka naman mate-tempt talaga," paliwanag ni Andrea.



Sa tingin din daw niya, hindi aksidente ang cheating o pakikiapid.

"[Cheating is] always a choice. Always naman 'yun so feeling ko walang excuse 'pag nag-cheat ka. Walang valid na excuse na mabibigay sa partner mo," aniya.

Sa huling linggo ng kanyang seryeng The Better Woman, maayos pa kaya pagsasama ng mag-asawang Jasmine (Andrea Torres) at Andrew (Derek Ramsay) matapos ang gulong dala ng pakikiapid ni Juliet (Andrea Torres)?

Huwag bumitaw sa nalalapit na pagtatapos ng The Better Woman, pagkatapos ng The Gift sa GMA Telebabad.

WATCH: 'The Better Woman' star Andrea Torres shares her thoughts on cheating

WATCH: Andrea Torres, 95% na hindi magbibigay ng second chance sa manloloko