What's on TV

READ: Andrea Torres, aprubado ng mga magulang ang sexy scenes sa 'The Better Woman'

By Aedrianne Acar
Published July 3, 2019 7:30 PM PHT
Updated July 3, 2019 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Lalo raw naeengganyo si Andrea Torres na paghusayan pa ang kanyang pag-arte sa 'The Better Woman' dahil sa suporta ng kanyang mga magulang, "Ang maganda po kasi sa parents ko, sila yung unang proud sa akin."

May basbas ng mga magulang ni Andrea Torres ang ginagawa niyang sexy scenes sa bagong Kapuso primetime series na The Better Woman.

Andrea Torres
Andrea Torres

Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ng Kapuso drama actress na suportado siya ng kanyang parents as long as “classy” ang pagpapaseksi niya sa isang project.

Wika ni Andrea, “Ang maganda po kasi sa parents ko, sila yung unang proud sa akin.

“Kaya ako naman, lalo akong naeengganyo na pagbutihin yung trabaho ko, kasi nakikita ko happy sila.”

“'Tsaka ang bilin sa akin always classy, which is ganun naman yung binibigay din ng GMA lagi sa akin.

“I feel naman na inaalagaan nila ako.”

Jaclyn Jose on Andrea Torres: "Ang laki ng improvement"

Ze father and ze mother ♡

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on


Samantala, tinawag niyang “extreme” ang karakter niyang si Juliet sa The Better Woman.

Pero sigurado siyang mamahalin ng manonood ang character niya sa soap.

“Mas extreme 'yung pagkasexy niya tsaka hindi lang siya basta sexy mayrun din siyang side na medyo bakla.”

“Nakakatuwa siya talaga, ang colorful ng personality niya. Parang ang lagi nga na sinasabi namin 'May toka itong babae na 'to',”

“Maiinis ka sa kanya pero mamahalin mo rin siya.”

Sundan ang husay sa pag-arte ni Andrea Torres sa The Better Woman, gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Sahaya.