WATCH: Andrea Torres, pinaghandaan ang role sa 'The Better Woman'
Marami ang dapat paghandaan ni Kapuso sexy actress Andrea Torres ngayong taon.
Isa na rito ang most-awaited project niya na The Better Woman kasama ang bagong Kapuso hunk na si Derek Ramsay.
Sa interview ni Suzi Abrera, ibinahagi ng aktres ang mga paghahandang ginawa niya upang makilalang mabuti ang kaniyang role sa serye.
Pahayag niya, “Nung sinabi sa akin na ibibigay 'yung assignment na ito, ibinigay ko na kaagad 'yung atensiyon ko sa kaniya."
“The moment na sinabi sa akin, nag-prepare na kaagad ako at nag-research na ako.
“Sobrang ganda kasi ng project para hindi mo mabigyan ng justice.”
Kuwento pa niya, nagagalak daw siyang makasama at makatambal si Derek Ramsay.
Aniya, “Never kami nailang or nag-alangan. Na-feel ko 'yung pagiging natural.
“Ganun 'yun eh! Kapag may konek ka sa tao, parang 'yung kilos n'yo nagiging isa.”
Panoorin ang buong chika sa ulat ni Suzi Abrera:
LOOK: Derek Ramsay and Andrea Torres's photo heats up Instagram
READ: Derek Ramsay defends Andrea Torres from 'retokada' comment