Ano ang dapat mong abangan sa 'That's My Amboy?'
Abangan sa 'That's My Amboy' ang mga kaganapang ito, ngayong January 25 na, pagkatapos ng 'Little Nanay!'
AnBie
Si Maru Carreon (Barbie Forteza) at si Bryan Ford (Andre Paras), masasangkot sa isang aksidente?
Maru
Hindi maswerte si Maru sa paghahanap ng trabaho. Blessing in disguise nga ba ang pagiging PA niya sa sikat na artistang si Bryan Ford?
Miley
Ang mataray na ka-love team ni Bryan na si Miley ba ang isa sa mga magpapahirap sa buhay PA ni Maru?
Kiko Estrada
Ang rising star na si Patrick Almeda (Kiko Estrada) ang magiging karibal ni Bryan Ford sa career, pati na rin sa love life!
Jazz Ocampo
Si Trina (Jazz Ocampo) na "perfect girl" sa mata ng marami ay ang ka-love team ni Patrick. Siya din ang secret girlfriend ni Bryan. Dahil sa conflict nila ni Bryan, mas pipiliin na lang ba niya ang makipaghiwalay sa aktor?
Matet de Leon
Si Yaya Yolly (Matet de Leon) ang number one adviser ni Bryan 'pag wala ang kanyang Mommy. Ano kaya ang mga advice ni Yaya Yolly kay Bryan pagdating sa career at sapag-ibig?
Donita Rose
Si Cecille Carreon-Tapang, ang dating actress na ina ni Maru. Bakit kaya ayaw niya na magtrabaho ang anak sa showbiz?