What's on TV

Mikee Quintos, ibinahagi ang karanasan sa DIY shoot para sa GMA Telebahay special

By Aedrianne Acar
Published May 23, 2020 2:07 PM PHT
Updated August 2, 2020 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos on gma telebahay special


Ayon kay Mikee Quintos, mas naunawaan niya ang hirap ng production staff nang gawin nila ang unang exclusive online content para sa GMA Telebahay.

Mas lalong lumaki ang respeto ng Kapuso actress-singer na si Mikee Quintos sa production staff nang gawin niya ang GMA Telebahay video special na Salamat, 'Nay.

GMA Network's first #GMATeleBahay is a sincere tribute for all the moms

Challenging para sa mga aktor na nakasama ni Mikee sa project na sina Gilleth Sandico, Mikoy Morales, Neil Ryan Sese, at Raphael Landicho ang do-it-yourself shoot sa kanilang mga sariling tahanan para magawa lang ang mga eksena.

Ikinuwento ni Mikee exclusively sa 24 Oras ang karanasan niya habang ginagawa ang GMA Telabahay.

Wika niya, "The whole time nandiyan lang sila direk, pinapanood, sinasabi niya 'pag mas maganda pa na background.

"Masaya siya, naintindihan ko 'yung bigat ng [trabaho nila]. Mas na-appreciate ko ngayon 'yung hirap ng trabaho ng bawat isa sa taping day talaga."

Masaya din daw makita ang unity ng lahat para magawa ang naturang proyekto at makapagbigay ng bagong content ngayon may COVID-19 pandemic.

Aniya, "Nakakatuwa na makita na everyone is like willing to work together and try new things kung ano'ng puwede, ano'ng gagana, ano'ng puwedeng adjustment na gagawin natin during this COVID.

"May magawa pa rin tayong bagong content."