GMA Logo Analyn Barro Faye Lorenzo Liezel Lopez Boobay Tekla
What's on TV

'Bubble Gang' girls Analyn Barro, Faye Lorenzo at Liezel Lopez makikipagkulitan sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Abbygael Hilario
Published March 11, 2023 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Analyn Barro Faye Lorenzo Liezel Lopez Boobay Tekla


Huwag palampasin ang all-new episode ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (March 12) via livestream at sa GMA pagkatapos ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Humanda na sa mga rebelasyon dahil sasagutin ng Bubble Gang girls na sina Analyn Barro, Faye Lorenzo at Liezel Lopez ang ilang naughty questions sa episode ng 'TBATS' ngayong Linggo!

Isang masayang gabi ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit na The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil tiyak na punong-puno ito ng tawanan at good vibes.

Ang inyong favorite sexy Kapuso stars na sina Analyn Barro, Faye Lorenzo at Liezel Lopez, makikipag-kulitan sa TBATS.

Sasalang sina Analyn, Faye at Liezel sa nagbabalik na “Feeling The Blank” kung saan haharapin nila ang ilang naughty questions na may nawawalang salita.

Upang punan ang mga blanko, magpapakita ng larawan sina Boobay at Tekla sa tatlong aktres at saka nila sasagutin ang mga ito.

Special guest naman sa naturang episode ang AraBella star na si Klea Pineda na makakasama nila sa exciting na laro na “Guess the Mystery Word.”

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (March 12) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST BOOTY SHOT NI FAYE LORENZO AT NG IBANG FEMALE CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: