Herlene Budol
PHOTO COURTESY: TBATS
TV

Herlene Budol, proud sa kanyang apelyido na Budol

By Dianne Mariano
Ayon kay actress-beauty queen Herlene Budol, ayaw niya dati sa kanyang apelyido. Pero ngayon, mahal at proud na siya rito.

Isang masayang episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (December 18) dahil sa celebrity guest na si Herlene Budol.

Mas nakilala ang actress-beauty queen sa “May Pa-Presscon” segment, kung saan iba't ibang tanong ang kanyang hinarap. Isa na rito ay ang tungkol sa kanyang apelyido na Budol.

Tanong ni TBATS host Boobay sa Magandang Dilag actress, “May nagpapatanong. 'Yung apelyido mo kasi Budol... kasi raw ibig sabihin daw no'n marami ka raw talagang na-budol in real life. Totoo ba?”

Sagot naman ni Herlene, “Hindi naman sa gano'n. Dati ayaw ko 'yung apelyido ko, pero ngayon mahal na mahal ko na apelyido ko.”

Nang tanungin ni Boobay ang dahilan sa likod ng sagot ng aktres, ani Herlene, “S'yempre nakakahiya dati kapag graduation ko noong elementary, hindi ako uma-attend ng ceremony. 'Congratulations, Nicole Budol,' nagtatawanan.”

Ayon naman kay Herlene, hindi niya iniiyakan noon ang gano'ng mga sitwasyon. Pagbabahagi niya pa, “Nakikipag-suntukan pa ako dahil sa apelyido ko. Ngayon, I'm so proud of being a Budol.”

Sumabak naman si Herlene sa “Guilty or Not Guilty" challenge kung saan hinarap niya ang mga nakakaintrigang mga tanong. Isa na rito ay kung tumanggap na ba siya ng regalo mula sa isang DOM, o dirty old man.”

PHOTO COURTESY: TBATS

Ayon sa actress-beauty queen, siya ay "not guilty" at sinabing, “Wala pa pero kung sakaling mayroon tatanggapin ko, regalo lang naman.”

Hindi rin guilty ang sagot ni Herlene nang tanungin kung nagnasa na ba ito sa dyowa ng iba. Paliwanag niya, “Napogian lang ako, 'Uy, pogi' Pero hindi ako na-a-attract kasi ayaw kong gawin sa iba 'yung ayaw kong gawin sa akin.”

Bukod dito, nasubok din ang English skills ng actress-vlogger sa "Don't English Me,” kung saan mag-isa siyang nag-translate ng Filipino phrases sa Ingles at hinulaan ng TBATS cast ang tamang sagot.

Nanalo naman dito ang Team Boobay, na sina Boobay, Divine Aucina, at Buboy Villar, na mayroong 14 points habang natalo ang Team Tekla na sina Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red na mayroon lamang 9 points.

Panoorin ang nakaraang episode ng TBATS dito.

Patuloy na tumutok sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL SA GALLERY NA ITO.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.