Bianca Umali
TV

Bianca Umali at Ruru Madrid, magsasama sa upcoming show na 'The Write One'

By Dianne Mariano
Updated On: November 27, 2022, 07:58 PM
May isang sweet na mensahe si Sparkle actress Bianca Umali para kay Ruru Madrid.

For the first time ever, magsasama sa isang TV project sina Kapuso couple Ruru Madrid at Bianca Umali.

Ito ay inilahad ng Sparkle actress sa kanyang guest appearance sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (November 20).

“Dahil nandoon na rin naman tayo sa topic na kaming dalawa ni Ruru... for the very first time, magkakasama na rin po kami sa telebisyon. Sana abangan po ninyo ang The Write One,” pagbabahagi niya sa segment na “Bianca's Loveventures.”

PHOTO COURTESY: TBATS


Bukod dito, nagbigay naman ng reaksyon si Bianca sa ilang mga sinabi ni Ruru sa naging guest appearance nito sa TBATS noong November 6.

Isa na rito ay ang sinabi ng aktor na sana ay si Bianca na ang babaeng makakasama niya habambuhay.

Nang tanungin ang aktres tungkol sa masasabi nito sa naging sagot ng kanyang boyfriend, aniya, “Very flattering na marinig at makita na sinabi niya 'yon on-air sa inyong lahat. Ang sarap sa puso kasi alam ni Ru kung gaano ako ka-private na tao and hindi talaga ako katulad niya na ikukuwento ko ang lahat sa lahat.”

Ayon pa kay Bianca, sobrang lumalambot daw ang kanyang puso pagdating sa kanilang dalawa ni Ruru.

“The fact na gano'n siya ka-proud, it only shows me all the more that I am also the luckiest to have him with me,” patuloy niya.

Matatandaan din na nagbigay ng sweet na mensahe ang Kapuso hunk para sa kanyang longtime girlfriend. Kaya naman isang nakakakilig din na message ang hatid ni Bianca para sa aktor.

“Thank you kasi alam mo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko. Maraming panahon na pakiramdam ko mag-isa lang ako pero 'yung kamay mo 'yung nandiyan para mayroon akong mahahawakan at makakapitan.

“Sa sinabi mo na hindi mo man masusuklian ang lahat, hindi ko hinihingi na suklian… ang sa akin lang ay 'yung diyan ka lang sa tabi ko, huwag kang mawawala sa akin kasi hindi ko kaya and hindi ako mapapagod na yakapin at hawakan din ang kamay mo sa lahat ng pagkakataon na kailangan mo ako,” pagbabahagi niya.

Panoorin ang nakaraang episode ng TBATS dito.


Para sa tuloy-tuloy na good vibes, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.


SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RURU AT BIANCA SA GALLERY NA ITO.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.