Kim Perez and Euleen Castro
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
TV

Kim Perez, pinusuan ng isang TikTok star!

By Dianne Mariano
Si Sparkle actor Kim Perez ang pinusuan ng sikat na content creator na si Euleen Castro sa dating game na "Pusuan Na 'Yan" ng 'TBATS!'

Sweetness overload ang naramdaman noong nakaraang Linggo (November 13) dahil sa kilig-filled segment na “Pusuan Na 'Yan” ng The Boobay and Tekla Show.

Sumalang ang tatlong hunks na sina Tarzan (Kirst Viray), James Bond (Raheel Bhyria), at Batman (Kim Perez) sa nasabing dating game at kailangan nilang ma-impress ang TikTok star na si Patty Kim (Euleen Castro).

Iba't ibang tanong ang hinarap ng tatlong Sparkle stars at ipinamalas pa nila ang kanilang talento sa pagsayaw at pagkanta para makuha ang puso at atensyon ni Patty.


Isa sa mga tanong ng sikat na content creator para sa tatlong kalalakihan ay kung bakit isa sa kanila ang dapat niyang pusuan.

Ayon kay Tarzan (Kirst Viray), siya ang dapat piliin ni Euleen dahil araw-araw niya itong lulutuan ng pagkain.

Sumunod naman dito si James Bond (Raheel Bhyria) at sinabi, “Aalagaan kita, susubuan kita ng pagkain, araw-araw kitang yayakapin.”

At s'yempre hindi naman nagpahuli si Batman (Kim Perez) na naghatid ng nakakakilig na sagot. “Ako talaga dapat mong pusuan kasi kahit anuman mangyari sa atin, marami man ang humahadlang sa atin, si Batman na ang bahala sa atin,” aniya.

Bago ni-reveal ni Patty ang lalaking kanyang pinusuan, ibinahagi muna niya ang rason sa likod ng kanyang pagpili rito.

"Siya 'yung pipiliin ko kasi pakiramdam ko nakuha niya 'yung puso ko agad. Tapos parang magaan 'yung pagkakahawak ko sa kanya sa kamay, at saka malinis," paliwanag niya.



Sa huli, si Batman, o Kim Perez, ang pinili ni Patty at nagbigay pa ang aktor ng mensahe para sa TikTok sensation. “Finally na-meet na kita. Sana hindi lang ito 'yung una at huli nating pagkikita. Keep in touch,” aniya.

Bukod dito, napanood din ang iba't ibang nakatutuwang videos na isinumite ng Kapuso viewers sa segment na “Pasikatin Natin 'To.”



Umani naman ng 5.2 percent rating ang naturang episode ng TBATS, ayon sa NUTAM People Ratings.


Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.


SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.