Boobay and Tekla
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
TV

Boobay and Tekla reveal the lessons they learned from each other

By Dianne Mariano
Ano kaya ang natutunan nina 'TBATS' hosts Boobay at Tekla mula sa isa't isa?

Patuloy na naghahatid ng good vibes at tawanan tuwing Sunday sina Kapuso comedians Boobay at Tekla sa pamamagitan ng kanilang comedy program na The Boobay and Tekla Show.

Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng fun-tastic duo ang mga aral na natutunan nila mula sa isa't isa.

The Boobay and Tekla Show

PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show (FB)

Para kay Boobay, natutunan niya mula sa kanyang co-host na huwag mawawalan ng pag-asa at huwag susuko.

Aniya, “Don't give up. Don't lose hope. Kapag sinabi mong hope, siya [Tekla] 'yon. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.”

Ang pagkakaroon ng pag-asa at lakas naman ang natutunan ni Tekla mula sa kanyang kapwa komedyante.

“Si Boobay naman ang natutunan ko sa kanya ay strength. Hope at saka strength,” sagot niya.

Bilang mga host ng TBATS, patuloy din na lumalalim ang on-and-off-cam relationship nina Boobay at Tekla dahil sa pagiging bukas at supportive nila sa isa't isa.

“Wala kaming tinatago sa isa't isa. Very open kami with each other. Kaya siguro mas nagiging open din 'yung mindset namin palagi kapag nagte-taping na, nailalabas namin 'yung gusto naming ilabas.

“At the same time, very supportive kami with each other. Importante 'yun sa relationship, being supportive,” saad ni Boobay.

Mapapanood ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG COMEDY SA GALLERY NA ITO.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.