Anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana, mapapanood sa 'The Boobay and Tekla Show!'
Ngayong Linggo, mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ang talented na anak ng komedyanteng si Dagul na si Jkhriez Pastrana.
Ipamamalas ng 18-year-old aspiring actress at singer ang kanyang talento sa kauna-unahan niyang solo TV guesting.
Ikukuwento rin ni Jkhriez sa isang Q&A segment ang kanyang karanasan sa bullying at ang mga hamon na kinaharap niya bilang little person. Magbibigay rin siya ng update tungkol sa kanyang amang si Dagul.
Bukod dito, magsisilbi ring judge si Jkhriez at ang Mema Squad, na binubuo nina Buboy Villar, Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Ian Red, at Pepita Curtis, sa isang pageant para sa mga talented little people.
Tatlong female candidates ang maglalaban para sa titulo na “Maliit Na Malupit 2022.”
Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 16) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON" EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.