GMA Logo Mikee Quintos Dave Bornea and Lianne Valentin
PHOTO COURTESY: mikee, davebornea23, and lianne.valentin (IG)
What's on TV

Mikee Quintos, Dave Bornea, at Lianne Valentin, makikisaya sa 'TBATS!'

By Dianne Mariano
Published September 17, 2022 1:48 PM PHT
Updated April 22, 2023 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos Dave Bornea and Lianne Valentin


Abangan sina Sparkle stars Mikee Quintos, Dave Bornea, at Lianne Valentin sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (April 23).

Isang gabi na punong-puno ng mga sorpresa at katuwaan ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 23.

Makakasama nina Boobay, Tekla, at Mema Squad ang cast ng dating top-rating afternoon drama series na Apoy Sa Langit na sina Mikee Quintos, Dave Bornea, at Lianne Valentin.

Ipamamalas nina Mikee, Dave, at Lianne ang kanilang talento sa improvisational comedy sa “Ang Arte Mo,” kung saan ire-reenact nila ang ilang eksena sa Apoy Sa Langit na mayroong nakakatawang twist.

Isa naman sa guest celebrities ang mapa-prank sa “Na-TBATS Ka!” ng kanyang co-stars at ng buong cast kasama ang isa pang kasabwat, na magpapanggap na biggest fan ng biktima.

Bukod dito, maghaharap ang Mema Squad at guest stars sa isang trivia contest with a twist, ang “The Inuman Quiz.” Kung hindi nila mabibigay ang tamang sagot, kailangan nilang inumin ang isang baso ng smoothie na mayroong exotic twist.

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (April 23), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox and GMA Now.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA TOP COMEDIAN NG BANSA SA GALLERY NA ITO.